Add parallel Print Page Options

33 Nang dumating sila sa isang bundok na tinatawag na Bungo, ipinako nila si Jesus sa krus. Ipinako rin ang dalawang kriminal, isa sa kanyang kanan at isa sa kaliwa. [34 Sinabi(A) ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”][a]

Nagpalabunutan ang mga kawal upang paghati-hatian ang kasuotan niya. 35 Ang(B) mga tao nama'y nakatayo roon at nanonood, habang si Jesus ay kinukutya ng mga pinuno ng bayan. Sinabi nila, “Iniligtas niya ang iba; iligtas niya ngayon ang kanyang sarili kung siya nga ang Cristo na hinirang ng Diyos!”

Read full chapter

Footnotes

  1. Lucas 23:34 Sinabi ni Jesus…ang kanilang ginagawa: Sa ibang matatandang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.