Add parallel Print Page Options

Ang mga Pastol at ang mga Anghel

Doon ay may mga pastol na nasa parang at nagbabantay ng kanilang mga tupa nang gabing iyon. At tumayo(A) sa harapan nila ang isang anghel ng Panginoon at nagliwanag sa kapaligiran nila ang kaluwalhatian ng Panginoon. Ganoon na lamang ang kanilang pagkatakot. 10 Ngunit sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag kayong matakot! Ako'y may dalang magandang balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao.

Read full chapter