Add parallel Print Page Options

37 Siya ay mga walumpu’t-apat na taon na at siya ay isang balo. At hindi na siya umalis sa templo. Araw at gabi siya ay naglilingkod na may mga pag-aayuno at mga pagdalangin. 38 Sa oras ding iyon, pumasok siya sa kinaroroonan nila at nagpuri sa Panginoon. Nagsalita siya patungkol kay Jesus sa kanilang lahat na nasa Jerusalem na naghihintay ng katubusan.

39 Naganap na nila ang lahat ng mga bagay ayon sa kautusan ng Panginoon. Sila ay bumalik sa Galilea, sa Nazaret na kanilang lungsod.

Read full chapter