Add parallel Print Page Options

Nilinis ni Jesus ang Templo

45 Sa kaniyang pagpasok sa templo, itinaboy niya ang mganagtitinda at namimili roon.

46 Sinabi niya sa kanila: Nasusulat:

Ang aking bahay ay isang bahay dalanginan. Ngunit ginawa ninyo itong yungib ng mga tulisan.

47 At nagturo si Jesus sa templo araw-araw. Ang mga pinunong-saserdote, ang mga guro ng kautusan at ang mga pinuno ng mga tao ay naghanap ng paraan upang mapatay siya.

Read full chapter