Add parallel Print Page Options

Ang Pagmamalasakit ni Jesus sa Templo(A)

45 Pagdating nila sa Jerusalem, pumunta si Jesus sa templo at itinaboy niya ang mga nagtitinda roon. 46 Sinabi niya sa kanila, “Sinasabi ng Dios sa Kasulatan, ‘Ang aking bahay ay bahay-panalanginan.’[a] Ngunit ginawa ninyong pugad ng mga tulisan!”[b]

47 Nagtuturo si Jesus sa templo araw-araw, habang pinagsisikapan naman ng mga namamahalang pari, mga tagapagturo ng Kautusan, at ng mga pinuno ng bayan na patayin siya.

Read full chapter

Footnotes

  1. 19:46 Isa. 56:7.
  2. 19:46 Jer. 7:11.