Add parallel Print Page Options

44 Ibabagsak ka nila sa lupa, ikaw at ang iyong mga anak na nasa iyo. Wala silang ititirang bato na nasa ibabaw ng ibang bato; sapagkat hindi mo kinilala ang panahon ng pagdalaw sa iyo ng Diyos.”

Nilinis ni Jesus ang Templo(A)

45 Pumasok si Jesus sa templo, at sinimulan niyang itaboy ang mga nagtitinda roon. 46 Sinasabi niya sa kanila, “Nasusulat,

‘Ang tahanan ko ay magiging bahay-dalanginan;’
    ngunit ginawa ninyo itong pugad ng mga magnanakaw.”

Read full chapter