Add parallel Print Page Options

Sinabi ng Panginoon: Maaari mong sabihin sa punong sikamorong ito: Mabunot ka at matanim ka sa dagat. Susundin ka nito kung mayroon kang pananampalatayang tulad ng butil ng mustasa.

Isipin ninyong kayo ay mayroong aliping nag-aararo o nag-aalaga ng mga tupa. Sino sa inyo ang sa kaniyang pagdating mula sa bukid ay agad na magsasabi: Maupo ka at kumain? Hindi ba ang sasabihin mo pa nga sa kaniya: Ipaghanda mo ako ng makakain? Magbigkis ka, paglingkuran mo ako habang ako ay kumakain at umiinom. Pagkatapos ng mga bagay na ito, ikaw ay kakain at iinom.

Read full chapter