Add parallel Print Page Options

Kaya sinabi ng Panginoon, “Kung may pananampalataya kayong kasinlaki ng butil ng mustasa, masasabi ninyo sa puno ng sikamorong ito, ‘Mabunot ka at maitanim ka sa dagat,’ susundin kayo nito.”

“Sino sa inyo ang magsasabi sa inyong lingkod na kagagaling lang sa bukid dahil sa pag-aararo o pagpapastol ng tupa, ‘Halika na rito agad at umupo sa hapag-kainan’? Sa halip, hindi ba sasabihin ninyo sa kanya, ‘Ipaghanda mo nga ako ng hapunan, magbihis ka at maglingkod sa akin habang ako'y kumakain. Pagkatapos ko ay maaari ka nang kumain.’?

Read full chapter