Add parallel Print Page Options

Mas mabuti pang talian siya sa leeg ng gilingang bato at itapon sa dagat, kaysa siya ang maging dahilan ng pagkakasala ng isa sa maliliit[a] na ito. Kaya mag-ingat kayo.

“Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, pagsabihan mo siya. At kung magsisi siya, patawarin mo. Kahit pitong beses pa siyang magkasala sa iyo sa maghapon, kung pitong beses din siyang hihingi ng tawad sa iyo ay patawarin mo.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 17:2 maliliit: Maaaring ang ibig sabihin, ang mahihina sa pananampalataya o ang mga itinuturing na hamak o mababa o di kayaʼy ang maliliit na bata.