Add parallel Print Page Options

Pagkabaha-bahagi ng Sambahayan(A)

49 “Naparito ako upang magdala ng apoy sa lupa at sana'y nagliliyab na ito! 50 May(B) isang bautismo na dapat kong danasin, at ako'y nababagabag hangga't hindi ito nagaganap. 51 Akala ba ninyo'y naparito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa? Sinasabi ko sa inyo, hindi kapayapaan ang dala ko kundi pagkabaha-bahagi.

Read full chapter