Add parallel Print Page Options

Ang Pagkakahati-hati ng Sambahayan Dahil kay Cristo(A)

49 “Naparito ako sa lupa upang magdala ng apoy[a] at gusto ko sanang magliyab na ito. 50 Ngunit bago ito mangyari, may mga paghihirap na kailangan kong pagdaanan. At hindi ako mapapalagay hanggaʼt hindi ito natutupad.

51 “Akala ba ninyo ay naparito ako sa lupa upang magkaroon ng maayos na relasyon ang mga tao? Ang totoo, naparito ako upang magkaroon sila ng hidwaan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 12:49 apoy: Ang ibig sabihin, kaparusahan.