Add parallel Print Page Options

40 Mga mangmang! Hindi baʼt ang Dios na gumawa ng labas, ang siya ring gumawa ng loob? 41 Para maging malinis kayo, kaawaan ninyo ang mga mahihirap at tulungan nʼyo sila sa kanilang pangangailangan.

42 “Nakakaawa kayong mga Pariseo! Ibinibigay nga ninyo ang ikapu[a] ng mga pampalasa[b] at mga gulay ninyo, pero kinakaligtaan naman ninyo ang makatarungan na pakikitungo sa kapwa at ang pag-ibig sa Dios. Magbigay kayo ng mga ikapu ninyo, pero huwag naman ninyong kaligtaang gawin ang mas mahalagang bagay.

Read full chapter

Footnotes

  1. 11:42 ikapu: sa Ingles, “tenth o tithe.”
  2. 11:42 pampalasa: Ang dalawang salitang ginamit sa Griego ay tumutukoy sa dalawang uri ng tanim na pampalasa sa pagkain.