Add parallel Print Page Options

Ang Pagsusugo ni Jesus ng Pitumpu't Dalawa

10 Pagkatapos ng mga ito, humirang ang Panginoon ng pitumpu't dalawa[a] at sila ay dala-dalawa niyang pinauna sa bawat bayan at pook na kanyang pupuntahan. Sinabi niya sa kanila, “Napakarami ng aanihin, subalit kakaunti lamang ang manggagawa. Kaya idalangin ninyo sa Panginoon ng pag-aani na magpadala siya ng manggagawa sa kanyang aanihin. Humayo kayo; isinusugo ko kayo na tulad ng mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat.

Read full chapter

Footnotes

  1. Lucas 10:1 Sa ibang manuskrito ay pitumpu.