Add parallel Print Page Options

Ipinahayag ang Kapanganakan ni Jesus

26 Nang ikaanim na buwan,[a] sinugo ng Diyos ang anghel na si Gabriel sa isang bayan ng Galilea, na tinatawag na Nazaret,

27 sa(A) isang birheng nakatakdang ikasal sa isang lalaki, na ang pangalan ay Jose, mula sa sambahayan ni David. Ang pangalan ng birhen ay Maria.

28 Lumapit ang anghel sa kanya, at sinabi, “Magalak ka, ikaw na pinagpala! Ang Panginoon ay sumasaiyo.”[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. Lucas 1:26 IKAANIM NA BUWAN: Tingnan ang talata 36.
  2. Lucas 1:28 Sa ibang mga kasulatan ay idinagdag ang Pinagpala ka sa lahat ng mga babae .