Add parallel Print Page Options

16 Marami sa mga anak ni Israel ang panunumbalikin niya sa Panginoon nilang Diyos.

17 Siya'y(A) lalakad sa unahan niya sa espiritu at kapangyarihan ni Elias, upang papanumbalikin ang mga puso ng mga magulang[a] sa kanilang mga anak, at ang mga suwail sa karunungan ng mga matuwid, upang ihanda ang isang bayang nakalaan sa Panginoon.”

18 Sinabi ni Zacarias sa anghel, “Paano ko malalamang gayon nga? Sapagkat ako ay matanda na at ang aking asawa ay puspos na ng mga araw.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Lucas 1:17 Sa Griyego ay mga ama .