Font Size
Lucas 3:4-6
Ang Biblia, 2001
Lucas 3:4-6
Ang Biblia, 2001
4 Gaya(A) ng nasusulat sa aklat ng mga salita ni propeta Isaias,
“Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang,
‘Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon,
tuwirin ninyo ang kanyang mga landas.
5 Bawat libis ay matatambakan,
at bawat bundok at burol ay papatagin,
at ang liko ay tutuwirin,
at ang mga baku-bakong daan ay papantayin.
6 At makikita ng lahat ng laman ang pagliligtas ng Diyos.’”