Add parallel Print Page Options

Ang Pag-akyat ni Jesus sa Langit(A)

50 Pagkatapos(B) ng mga ito, sila'y isinama ni Jesus sa labas ng lungsod. Pagdating sa Bethania, itinaas niya ang kanyang mga kamay at sila'y binasbasan. 51 Habang(C) binabasbasan niya sila, siya'y umalis [at dinala paakyat sa langit].[a] 52 Siya'y sinamba nila at pagkatapos ay bumalik sila sa Jerusalem na punung-puno ng kagalakan. 53 Palagi silang nasa Templo at doo'y nagpupuri sa Diyos.

Read full chapter

Footnotes

  1. 51 at dinala paakyat sa langit: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.

Pagkasabi(A) nito, si Jesus ay iniakyat sa langit habang ang mga alagad ay nakatingin sa kanya, at natakpan siya ng ulap.

10 Habang sila'y nakatitig sa langit at siya'y iniaakyat, may dalawang lalaking nakaputi na lumitaw sa tabi nila. 11 Sabi nila, “Kayong mga taga-Galilea, bakit kayo nakatayo rito at nakatingin sa langit? Itong si Jesus na umakyat sa langit ay magbabalik gaya ng nakita ninyong pag-akyat niya.”

Read full chapter