Font Size
Lucas 11:9-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Lucas 11:9-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
9 Kaya't sinasabi ko sa inyo, humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. 10 Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan. 11 Kayong mga ama, bibigyan ba ninyo ng ahas ang inyong anak kung ito'y humihingi ng isda? 12 Bibigyan ba ninyo siya ng alakdan kung siya'y humihingi ng itlog? 13 Kayo ngang masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak. Lalo na ang inyong Ama na nasa langit, na magbibigay ng Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya!”[a]
Read full chapterFootnotes
- 13 ang inyong Ama…sa kanya: Sa ibang manuskrito'y ang inyong Ama. Ibibigay niya ang Espiritu Santo mula sa langit .