Lucas 11:2-4
Ang Biblia, 2001
2 Sinabi niya sa kanila, “Kapag kayo'y nananalangin, inyong sabihin,
‘Ama,[a] sambahin nawa ang pangalan mo.
Dumating nawa ang kaharian mo.
3 Ibigay mo sa amin sa bawat araw ang aming pang-araw-araw na pagkain.
4 At ipatawad mo sa amin ang aming mga kasalanan,
sapagkat pinatatawad naman namin ang bawat nagkakautang sa amin,
at huwag mo kaming dalhin sa tukso.’”
Footnotes
- Lucas 11:2 Sa ibang mga kasulatan ay Ama naming nasa langit .
Lucas 11:2-4
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
2 Sinabi niya sa kanila, “Kapag kayo ay mananalangin, sabihin ninyo,
‘Ama, pakabanalin mo ang pangalan mo,
Dumating nawa ang paghahari mo,
3 Bigyan mo kami sa bawat araw ng aming pang-araw-araw na pagkain,
4 At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan,
sapagkat pinatatawad namin ang bawat nagkakautang sa amin.
At huwag mo kaming dalhin sa tukso.’ ”
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.