Add parallel Print Page Options

18 At kung hindi pa rin kayo makikinig sa akin, parurusahan ko kayo ng pitong beses.[a] 19 Aalisin ko ang katigasan ng inyong ulo sa pamamagitan ng hindi pagpapadala ng ulan sa inyo, kaya matitigang ang inyong mga lupain.[b] 20 Mawawalan ng kabuluhan ang inyong pagtatrabaho, dahil wala kayong aanihin sa inyong mga lupain at hindi rin mamumunga ang inyong mga punongkahoy.

Read full chapter

Footnotes

  1. 26:18 pitong beses: Ang ibig sabihin, pitong beses ang tindi. Ganito rin sa talatang 21 at 24.
  2. 26:19 hindi … lupain: sa literal, Gagawin ko ang ulap na gaya ng bakal at ang bukid na gaya ng tanso.