Add parallel Print Page Options

32 Ang alin mang bagay na mahulugan ng patay na katawan nito ay magiging marumi, maging itoʼy yari sa kahoy, tela, balat, o sako at ginagamit kahit saan. Itoʼy dapat hugasan ng tubig,[a] pero ituturing pa rin na marumi hanggang sa paglubog ng araw. 33 Kapag ang palayok o banga ay nahulugan ng patay na hayop na ito, ang lahat ng laman sa loob nito ay marumi na, at itoʼy dapat nang basagin. 34 Ang lahat ng pagkain na nilagyan ng tubig na mula sa bangang iyon ay marumi na. At marumi na rin ang anumang inumin na nasa bangang iyon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 11:32 hugasan ng tubig: Ito ay ritwal para linisin ang isang bagay para itoʼy maaring magamit.