Add parallel Print Page Options

24-28 “Huwag kayong hihipo ng bangkay ng hayop na hindi biyak ang kuko at hindi nginunguyang muli ang kinain nito. Huwag din kayong hihipo ng bangkay ng mga hayop na apat ang paa at may kukong pangkalmot.[a] Ituring ninyong marumi ang mga hayop na ito. Ang sinumang makahipo ng bangkay nila ay dapat maglaba ng kanyang damit,[b] pero ituturing pa rin siyang marumi hanggang sa paglubog ng araw.

29-31 “Ituring ninyong marumi ang mga hayop na gumagapang katulad ng daga, bubwit, butiki, tuko, bayawak, buwaya, bubuli at hunyango.[c] Ang sinumang makahipo ng mga bangkay nito ay ituturing na marumi hanggang sa paglubog ng araw.

Read full chapter

Footnotes

  1. 11:24-28 hayop … pangkalmot: Tulad ng pusa, aso at leon.
  2. 11:24-28 dapat … damit: Ito ay isang ritwal na ginagawa ng mga Israelita para sila ay maging malinis at karapat-dapat makisama sa mga seremonyang pangrelihiyon nila.
  3. 11:29-31 Ang ibang mga hayop dito na nakasulat sa tekstong Hebreo ay mahirap malaman at hindi makikita sa Pilipinas.