Add parallel Print Page Options

10 Kapag tupa o kambing ang iaalay ng tao bilang handog na sinusunog, kailangan ding lalaki at walang kapintasan. 11 Kakatayin niya ito sa presensya ng Panginoon doon sa gawing hilaga ng altar. At ang dugo nitoʼy iwiwisik sa paligid ng altar ng mga paring mula sa angkan ni Aaron. 12 At pagkatapos na hiwa-hiwain ito ng naghahandog, ilalagay ito nang maayos ng pari sa apoy pati na ang ulo at taba.

Read full chapter