Add parallel Print Page Options

19 At aalisin niya ang lahat ng taba niyaon, at susunugin niya sa ibabaw ng dambana.

20 Gayon ang gagawin niya sa toro; kung paano ang ginawa niya sa torong handog dahil sa kasalanan, ay gayon gagawin niya rito: at itutubos sa kanila ng saserdote, at patatawarin sila.

21 At ilalabas niya ang toro sa kampamento, at susunugin niya, na gaya ng pagkasunog sa unang toro: handog nga dahil sa kasalanan ng kapisanan.

Read full chapter