31 At isusugo niya ang kanyang mga anghel na may malakas na hudyat ng trumpeta. Titipunin nila ang kanyang mga pinili mula sa apat na ihip ng hangin, mula sa isang dulo ng kalangitan hanggang sa kabila.

Read full chapter

Ang Ikapitong Trumpeta

15 Pagkatapos, hinipan (A) ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta, at sa langit ay narinig ang malalakas na tinig na nagsasabi,

“Ang kaharian ng sanlibutan ay naging kaharian ng ating Panginoon
    at ng kanyang Cristo,
at maghahari siya magpakailanman.”

Read full chapter