Add parallel Print Page Options

13 At kung ang inaagasan ay gumaling sa kaniyang agas, ay bibilang siya ng pitong araw sa kaniyang paglilinis, at maglalaba ng kaniyang mga damit; at paliliguan din niya ang kaniyang laman sa tubig na umaagos, at magiging malinis.

14 At sa ikawalong araw ay magdadala siya ng dalawang batobato, o ng dalawang inakay ng kalapati, at ihaharap niya sa harap ng Panginoon sa pasukan ng tabernakulo ng kapisanan, at ibibigay niya sa saserdote.

15 At ihahandog ng saserdote, na ang isa'y handog dahil sa kasalanan, at ang isa'y handog na susunugin; at itutubos sa kaniya ng saserdote sa harap ng Panginoon, dahil sa kaniyang agas.

Read full chapter