Add parallel Print Page Options

Kapistahan ng mga Kubol(A)

33 At(B) nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,

34 “Iyong sabihin ang ganito sa mga anak ni Israel: Sa ikalabinlimang araw ng ikapitong buwang ito ay pitong araw na Kapistahan ng mga Kubol[a] sa Panginoon.

35 Ang unang araw ay isang banal na pagpupulong; kayo'y huwag gagawa ng anumang mabigat na gawain.

36 Pitong araw na maghahandog kayo sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy. Sa ikawalong araw ay magkakaroon kayo ng banal na pagpupulong; at kayo'y maghahandog sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy. Ito ay isang taimtim na pagtitipon; huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na gawain.

Read full chapter

Footnotes

  1. Levitico 23:34 o tabernakulo .

39 “Gayundin, sa ikalabinlimang araw ng ikapitong buwan, kapag inyong tinipon ang bunga ng lupain, ipagdiriwang ninyo ang mga kapistahan ng Panginoon sa loob ng pitong araw; ang una at ikawalong araw ay Sabbath.

40 Sa unang araw ay magdadala kayo ng bunga ng magagandang punungkahoy, ng mga sanga ng mga palma, mga sanga ng mayayabong na punungkahoy, at ng maliliit na halaman sa batis; at kayo'y magdiriwang sa harapan ng Panginoon ninyong Diyos sa loob ng pitong araw.

41 Inyong tutuparin ito bilang isang kapistahan sa Panginoon sa loob ng pitong araw sa bawat taon. Ito ay isang tuntunin magpakailanman sa buong panahon ng inyong salinlahi; sa ikapitong buwan ay ipagdiriwang ninyo ang kapistahang ito.

42 Kayo'y maninirahan sa mga kubol sa loob ng pitong araw; ang lahat ng katutubo sa Israel ay maninirahan sa mga kubol,

43 upang malaman ng inyong salinlahi na pinatira ko sa mga kubol ang mga anak ni Israel nang sila'y aking ilabas sa lupain ng Ehipto: Ako ang Panginoon ninyong Diyos.”

Read full chapter

Kapistahan ng mga Tolda(A)

13 “Iyong(B) ipagdiriwang nang pitong araw ang Pista ng mga Tolda,[a] pagkatapos mong matipon ang aning mula sa iyong giikan at sa pisaan ng ubas.

14 Ikaw at ang iyong anak na lalaki at babae, at ang iyong aliping lalaki at babae, ang Levita, ang dayuhan, ang ulila, at ang babaing balo na kasama ng iyong mga bayan ay magagalak sa iyong pagpipista.

15 Pitong araw na ipagdiriwang mo ang pista sa Panginoon mong Diyos sa lugar na pipiliin ng Panginoon, sapagkat pagpapalain ka ng Panginoon mong Diyos sa lahat ng iyong bunga, at sa lahat ng gawa ng iyong mga kamay, at ikaw ay lubos na magagalak.

Read full chapter

Footnotes

  1. Deuteronomio 16:13 o kubol .