Levitico 19:4
Magandang Balita Biblia
4 “Huwag(A) kayong maglilingkod sa mga diyus-diyosan ni gagawa ng mga imahen upang sambahin. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos.’
Read full chapter
Exodo 20:4
Magandang Balita Biblia
4 “Huwag(A) kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin.
Read full chapter
Deuteronomio 5:8
Magandang Balita Biblia
8 “‘Huwag(A) kang gagawa ng diyus-diyosang imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin.
Read full chapter
Deuteronomio 16:21-22
Magandang Balita Biblia
21 “Huwag(A) kayong magtatayo ng haligi bilang rebulto ng diyosang si Ashera sa tabi ng altar na gagawin ninyo para kay Yahweh na inyong Diyos. 22 At(B) huwag kayong gagawa ng rebultong sasambahin sapagkat iyon ay kasuklam-suklam sa kanya.
Read full chapter
Deuteronomio 27:1
Magandang Balita Biblia
Ang Altar sa Bundok ng Ebal
27 Ganito naman ang bilin ni Moises, kasama ang matatandang namumuno sa sambayanan: “Sundin ninyong lahat ang kautusang ibinibigay ko sa inyo ngayon.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.