Add parallel Print Page Options

Sumasaiyo ang Karunungan at nalalaman niya ang iyong mga gawa,
sapagkat kasama mo siya nang likhain mo ang daigdig.
Alam niya kung ano ang iyong kinalulugdan,
kung ano ang mabuti at naaayon sa iyong mga utos.
10 Isugo mo po siya mula sa kalangitan
at mula sa luklukan ng iyong karangalan.
Sa gayon, siya'y sasaakin at sasamahan ako sa aking ginagawa,
at ituturo niya sa akin kung ano ang kalugud-lugod sa iyo.
11 Alam niya at nauunawaan ang lahat ng bagay.
Papatnubayan niya ang lahat ng kilos ko,
at iingatan ako sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.

Read full chapter