Add parallel Print Page Options

21 Natutunan ko ang mga bagay na dati nang alam, at ang mga bagay na wala pang ibang nakakaalam,
22 sapagkat ang Karunungan na humugis sa lahat ng bagay ang siyang nagturo sa akin.

Ang Likas ng Karunungan

Ang diwa ng Karunungan ay matalino at banal.
Iisa ang kanyang likas ngunit nahahayag sa maraming paraan.
Siya'y dalisay at walang katawang materyal, at malayang kumikilos;
malinis, nagtitiwala at di maaaring mapinsala;
maibigin sa mabuti, matalas at di malulupig.
23 Ang Karunungan ay mapagkawanggawa, mabait,
matatag, tiyak, hindi nababalisa,
makapangyarihan at mulat sa lahat ng bagay.
Ang Karunungan ay laganap sa lahat ng diwang matalino, matalas at dalisay.

Read full chapter