Add parallel Print Page Options

bagama't magagawa mong ipagapi sa bayan mong pinili ang masasamang taong iyon,
o lipulin sila sa pamamagitan ng mababangis na hayop,
o sa bisa ng makapangyarihan mong salita.
10 Ngunit hindi mo binibigla ang pagpapatupad ng iyong hatol,
upang mabigyan pa sila ng pagkakataong makapagsisi,
kahit alam mong sila'y likas na masama,
at hindi na magbabago sa masama nilang paniniwala.
11 Sapagkat sapul pa sa simula, sila'y isang lahing isinumpa,
ngunit hindi dahil sa takot kaninuman kaya hindi mo sila pinarusahan.

Read full chapter