Add parallel Print Page Options

17 Sasalakayin(A) niya ang kanyang mga kaaway hanggang sa malipol,
at gagamitin niyang sandata ang sangnilikha.
18 Ang baluti niya'y ang katuwiran,
ang helmet niya'y ang katarungan,
19 at ang kabanalan ang kanyang kalasag.
20 Ihahasa niya ang kanyang galit upang gamiting espada,
at sasamahan siya ng mga lakas ng kalikasan,
upang bakahin ang mga hangal na nangangahas lumaban sa kanya.
21 Mula sa balumbon ng mga ulap, iigkas ang mga kidlat,
na tila mga palasong walang mintis na tatama sa bawat tudlain ng Panginoon.
22 Uulanin ang kanyang mga kaaway ng malalaking tipak ng yelo,
hahampasin sila ng nagngangalit na alon ng dagat,
at tatabunan sila ng umuugong na baha.
23 Babayuhin sila ng malakas na hangin
at ipapadpad silang parang dayami.
Kaguluhan ang maghahari sa buong daigdig,
at babagsak ang mga pamahalaan dahil sa kanilang masasamang gawa.

Read full chapter

14 Kaya't(A)(B) maging handa kayo. Ibigkis sa inyong baywang ang sinturon ng katotohanan, at isuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran;

Read full chapter

17 Isuot(A) ninyo ang helmet ng kaligtasan, at gamitin ang tabak ng Espiritu, na walang iba kundi ang Salita ng Diyos.

Read full chapter

Ngunit(A) dahil tayo'y sa panig ng araw, dapat maging matino ang ating pag-iisip. Isuot natin ang baluti ng pananampalataya at pag-ibig, at isuot ang helmet ng pag-asa sa pagliligtas na gagawin sa atin ng Diyos.

Read full chapter