Add parallel Print Page Options

Sa kalaunan, malilimot na ang ating pangalan, pati ang ating mga nagawa.
Mawawala ang buhay natin, parang balumbon ng mga ulap,
matutunaw na parang hamog sa init ng araw.

Read full chapter

Ang lahat ng iyon ay naglahong parang anino,
para lamang nagdaang ugong ng balita.

10 “Pagdaan ng barko sa ibabaw ng dagat,
nahati ang mga alon at nahawi ang tubig,
ngunit pagkalampas ay walang naiwang bakas.
11 Paglipad ng ibon sa himpapawid,
di mo matutunton ang kanyang dinaanan.
Ang hanging hinampas ng kanyang mga pakpak
at binagtas ng mabilis niyang lipad,
dagling naghilom na parang di nagalaw.
12 Nahahati ng palasong patungo sa tudlaan ang hangin na kanyang dinaanan,
ngunit pagkalampas ay wala ka ring makikitang bakas.
13 Ganyan ang mangyayari sa ating buhay.
Isinilang tayo at pagkatapos ay mamamatay,
at wala tayong maiiwang bakas ng anumang kabutihan.
Sa halip, inaaksaya natin ang panahon sa pagpapakasama.”

Read full chapter