Add parallel Print Page Options

Ang Pagkaing Mula sa Langit

20 Ngunit(A) ang bayan mo'y hindi nahirapan nang ganyan; sa halip, pinadalhan mo sila ng pagkain ng mga anghel.
Mula sa langit, binigyan mo sila ng tinapay na hindi na kailangang iluto kundi handa nang kainin;
pagkaing naging kasiya-siya sa lahat, kahit na ano ang kanilang panlasa.
21 Dito nakikita kung gaano ang pagkalinga mo sa iyong mga anak.
Nagustuhan ng lahat ang pagkaing iyon,
sapagkat nagbabago ang lasa ayon sa nais na lasa ng bawat kumakain.
22 Ang pagkaing iyon ay dapat sanang natunaw na gaya ng yelo o niyebe,
ngunit hindi natunaw kahit lutuin sa apoy.
Dito'y ipinakilala mo sa iyong bayan na ang apoy na tumupok sa ani ng kanilang kaaway, samantalang umuulan ng yelo,
23 ay siya ring apoy na inalisan mo ng kapangyarihan,
upang sila'y may makain.

24 Ikaw ang lumikha sa sansinukob, at ang lahat ay nasa ilalim ng iyong kapangyarihan.
Ginagamit ng kalikasan ang kanyang lakas upang parusahan ang masasama,
ngunit siya'y banayad at maamo sa mga nagtitiwala sa iyo.
25 Ang kalikasan ay nag-angkin ng lahat ng anyo,
upang ipakita kung paano mo pinangangalagaan ang lahat ng tumatawag sa iyo.
26 Nangyari ang lahat ng ito, Panginoon, upang maunawaan ng bayan mong minahal,
na hindi sila mabubuhay sa pamamagitan lamang ng kanilang mga tanim.
Ang iyong salita ang nagbibigay-buhay sa lahat ng umaasa sa iyo.
27 Ang pagkaing hindi natupok sa apoy
ay natunaw sa unang sinag ng araw.
28 Dito'y tinuruan mo kaming bumangon bago magbukang-liwayway,
at magpasalamat sa iyo at manalangin sa pagsikat ng araw.
29 Ang pag-asa ng taong di marunong tumanaw ng utang na loob ay matutunaw na parang hamog na nagyelo,
at aagos na parang tubig na di pinakinabangan.

Read full chapter

31 Ang(A) aming mga ninuno ay kumain ng manna sa ilang; ayon sa nasusulat, ‘Sila'y binigyan niya ng tinapay na galing sa langit,’” sabi nila.

Read full chapter