Add parallel Print Page Options

Ang Parusa sa mga Taga-Egipto

Pinalabo mo ang mga bukal ng kanilang ilog na walang patid ang agos.
Bumaho ang tubig at namulang parang dugo.
Iyon ang parusa sa utos nilang patayin ang mga sanggol ng iyong bayan.
Ngunit ang bayan mo'y binigyan mo ng masaganang tubig sa panahong hindi nila inaasahan,
matapos silang magdanas ng uhaw sa ilang
upang matikman nila ang parusa na ginawa mo sa kanilang mga kaaway.

Read full chapter