Add parallel Print Page Options

Tinulungan ng Karunungan si Abraham

Matapos(A) na ang mga bansa ay mabigo sa palalo nilang balak,
pumili ang Karunungan ng isang taong matuwid, na iningatan niyang walang-sala sa paningin ng Diyos.
Binigyan niya ang taong ito ng tibay ng kalooban, na sundin ang utos sa kanya ng Diyos, sa kabila ng pagmamahal niya sa kanyang anak.

Read full chapter

Sumagot(A) si Esteban, “Mga kapatid at mga magulang, pakinggan ninyo ang sasabihin ko. Ang dakila at makapangyarihang Diyos ay nagpakita sa ating ninunong si Abraham nang siya'y nasa Mesopotamia pa, bago siya nanirahan sa Haran. Sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Iwan mo ang iyong lupain at mga kamag-anak at pumunta ka sa lupaing ituturo ko sa iyo.’

Read full chapter

Dahil(A) sa pananampalataya, sumunod si Abraham nang siya'y utusan ng Diyos upang pumunta sa isang lupaing ipinangako sa kanya. Sumunod nga siya, kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta.

Read full chapter