Add parallel Print Page Options

25 Dapat tayong magpasalamat sa Panginoon nating Diyos; sinusubok lamang niya tayo, gaya ng ginawa sa ating mga ninuno. 26 Alalahanin(A) ninyo ang pagsubok na ginawa kay Abraham at kay Isaac, at ang nangyari kay Jacob noong siya'y nasa Mesopotamia at naglilingkod bilang pastol ng kawan ni Laban na kanyang amain. 27 Hindi tayo ipinaiilalim ng Diyos sa mahigpit na kahirapan para subukin ang katapatan tulad ng nangyari sa ating mga ninunong iyon. At hindi rin siya naghihiganti sa atin; manapa'y dinidisiplina niya tayo para ituwid.”

Read full chapter

11 Huwag(A) mong sisihin ang Panginoon dahil sa iyong kasalanan,
    hindi niya gagawin ang kanyang kinamumuhian.[a]
12 Huwag mong sabihing iniligaw ka niya.
    Hindi niya kailangan ang tulong ng mga imbi sa pagsasakatuparan ng kanyang mga panukala.
13 Namumuhi ang Panginoon sa lahat ng uri ng kasalanan;
    ang may paggalang sa kanya ay hindi naaakit ng anumang uri ng kabuktutan.
14 Sa pasimula pa, nang lalangin niya ang tao,
    ginawa na niya itong malaya na pumili ng kanyang nais.
15 Kung gusto mo, masusunod mo ang utos ng Panginoon,
    ikaw ang magpapasya kung magiging tapat ka sa kanya o hindi.
16 Naglagay siya sa harapan mo ng tubig at ng apoy,
    kunin mo ang iyong magustuhan.
17 Makakapili ka ng alinman sa dalawa: buhay o kamatayan,
    ang iyong mapili ang siya mong patutunguhan.
18 Dakila ang Karunungan at kapangyarihan ng Panginoon;
    nakikita niya ang lahat ng bagay.
19 Nalalaman niya ang lahat ng ginagawa ng bawat tao,
    at kinakalinga niya ang mga may takot sa kanya.
20 Kailanma'y wala siyang inutusang magpakasama,
    o pinahintulutang magkasala.

Read full chapter

Footnotes

  1. 11 hindi niya gagawin…kinamumuhian: Ganito ang nasa tekstong Hebreo. Sa tekstong Griego ay huwag mong gagawin ang kinapopootan ng Panginoon .