Add parallel Print Page Options

Ito ay sapagkat lihim na nakapasok sa inyo ang ilang mga taong hindi maka-Diyos. Noon pang una ay nilagyan na sila ng tanda ng Diyos upang patawan ng kaparusahan. Pinapalitan nila ng kahalayan ang biyaya ng ating Diyos. Ikinakaila nila ang natatanging Panginoong Diyos at ang ating Panginoong Jesucristo.

Ngunit ibig ko pa ring ipaalala sa inyo kahit na nalalaman na ninyo ang mga bagay na ito noon. Iniligtas ng Panginoon ang kaniyang tao mula sa lupain ng Egipto ngunit nilipol niya ang hindi sumampalataya. At ang mga anghel na hindi nanatili sa kanilang dating kalagayan, kundi iniwan ang kanilang tinatahanan, ay inilaan ng Diyos sa walang hanggang tanikala sa ilalim ng kadiliman para sa dakilang araw ng paghuhukom.

Read full chapter