Add parallel Print Page Options

15 Ito ay upang silang lahat ay kaniyang hatulan at sumbatan ang lahat ng mga hindi maka-diyos na kasama nila. Kasama ang mga gawa na ginawa nila sa hindi maka-diyos na paraan, at ang mga mapanglait na salita na sinabi laban sa kaniya ng mga makasalanan, na mga hindi maka-diyos. 16 Ang mga taong ito ay laging dumadaing at laging umaangal. Lumalakad sila ayon sa kanilang masamang layunin. Sila ay nagsasalita ng mga salitang mapagmalaki at nagsasalita ng pakunwaring papuri sa mga tao upang sila ay makinabang.

Panawagan para Manatiling Matatag

17 Ngunit kayo, mga minamahal, alalahanin ninyo ang mga salita na ipinaliwanag na sa inyo noon pang una ng mga apostol ng ating Panginoong Jesucristo.

Read full chapter