Add parallel Print Page Options

12 Ang mga taong ito ay mga lubog na bato[a]sa inyong pagsasalu-salo sa hapag ng pag-ibig. Nakikisalo silang kasama ninyo nang walang takot, na ang sarili lamang nila ang kanilang pinangangalagaan. Sila ay parang ulap na walang tubig na dinadala ng mga hangin. Katulad din sila ng punong-kahoy na hindi namumunga kahit kapanahunan na, dalawang ulit nang namatay, binunot mula sa mga ugat. 13 Sila ay katulad ng mga malalaking alon sa dagat. Ang kanilang kahiya-hiyang gawain ay lumalabas gaya ng mga bula ng tubig. Sila ay katulad ng mga bituing naliligaw. Ang pusikit na kadiliman ay nakalaan para sa kanila magpakailanman.

14 Si Enoc na ikapitong saling lahi mula kay Adan ay naghayag ng Salita ng Diyos sa kanila. Sinabi niya: Narito, dumating ang Panginoon na kasama ang kaniyang libu-libong banal.

Read full chapter

Footnotes

  1. Judas 1:12 Batong nakahalo sa pagkaing nakahain.