Add parallel Print Page Options

15 Ang mga Fariseo rin naman ay muling nagtanong sa kaniya kung papaano siya nakakita. Sinabi niya sa kanila: Nilagyan niya ng luwad ang aking mga mata at ako ay naghugas at nakakita na ako.

16 Sinabi nga ng ilan sa mga Fariseo: Hindi galing sa Diyos ang lalaking ito dahil hindi niya tinutupad ang araw ng Sabat.

Sinabi naman ng iba: Papaano makakagawa ng mga ganitong tanda ang isang lalaking makasalanan? Nagkaroon ng pagkakabaha-bahagi sa kanila.

17 Muli nilang sinabi sa lalaking dating bulag: Sapagkat iminulat niya ang iyong mga mata, ano ang masasabi mo patungkol sa kaniya?

Sinabi ng lalaki: Siya ay isang propeta.

Read full chapter