Add parallel Print Page Options

35 Nakita ko mismo ang mga pangyayari, at isinasalaysay ko ito sa inyo. Totoong nangyari ito, kaya alam kong totoo ang mga sinasabi ko. Isinasalaysay ko ito upang sumampalataya rin kayo.[a] 36 Nangyari ang mga bagay na ito upang matupad ang sinasabi sa Kasulatan: “Walang mababali ni isa man sa kanyang mga buto.”[b] 37 Sinasabi rin sa isa pang bahagi ng Kasulatan, “Pagmamasdan nila ang taong sinaksak nila.”[c]

Read full chapter

Footnotes

  1. 19:35 Ayon sa maraming dalubhasa sa Biblia, tinutukoy ni Juan ang kanyang sarili sa talatang ito. Si Juan ang sumulat ng aklat na ito ayon sa tradisyon.
  2. 19:36 Exo. 12:46; Bil. 9:12; Salmo 34:20.
  3. 19:37 Zac. 12:10.