Add parallel Print Page Options

22 Pero sinagot sila ni Pilato, “Kung ano ang isinulat ko, iyon na.”

23 Nang maipako na ng mga sundalo si Jesus, kinuha nila ang kanyang damit at hinati-hati sa apat, tig-isang bahagi ang bawat sundalo. Kinuha rin nila ang damit-panloob niya; hinabi ito nang buo at walang tahi o dugtong. 24 Sinabi ng isang sundalo, “Huwag na natin itong paghatian. Magpalabunutan na lang tayo kung kanino ito mapupunta.” Nangyari ito upang matupad ang sinabi sa Kasulatan,

    “Pinaghati-hatian nila ang aking damit,
    at nagpalabunutan sila para sa aking damit-panloob.”[a]

At ito nga ang ginawa ng mga sundalo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 19:24 Salmo 22:18.