Add parallel Print Page Options

Ipinanalangin ni Jesus ang Lahat ng Mananampalataya

20 Hindi lamang sila ang aking mga idinadalangin. Idinadalangin ko rin naman ang mga sasampalataya sa akin sa pamamagitan ng salita nila.

21 Idinadalangin ko na sila ay maging isa, Ama, tulad mo na sumasa akin at ako ay sumasa iyo. Idinadalangin ko na silang lahat ay maging isa sa atin, upang ang sangkatauhan ay sumam­palataya na ikaw ang nagsugo sa akin. 22 Ang kaluwal­hatian na ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila upang sila ay maging isa tulad natin na isa.

Read full chapter