Add parallel Print Page Options

Dahil sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito, napuno ng lumbay ang inyong mga puso. Gayunman, sinasabi ko sa inyo ang katotohanan: Makakabuti sa inyo na ako ay umalis sapagkat kung hindi ako aalis, ang Tagapayo ay hindi darating sa inyo. Kapag ako ay umalis, susuguin ko siya sa inyo. Pagdating niya ay kaniyang susumbatan ang sang­katauhan patungkol sa kasalanan, sa katuwiran at sa kahatulan.

Read full chapter