Add parallel Print Page Options

25 Ang mga bagay na ito ay sinabi ko sa inyo sa pamama­gitan ng mga talinghaga. Darating ang oras na hindi na ako magsasalita sa inyo sa pamamagitan ng mga talinghaga. Subalit maliwanag kong ipapahayag sa inyo ang patungkol sa Ama. 26 Sa araw na iyon ay hihingi kayo sa pangalan ko. Hindi ko sinasabi sa inyo na dadalangin ako sa Ama para sa inyo. 27 Ito ay sapagkat ang Ama mismo ang siyang umiibig sa inyo sapagkat inibig ninyo ako. At sumampalataya rin kayo na ako ay nagmula sa Diyos.

Read full chapter