Add parallel Print Page Options

22 Gayundin naman kayo. Kayo ngayon ay nalulumbay ngunit makikita ko kayong muli at ang inyong puso ay magagalak. Walang taong aagaw ng inyong kagalakan mula sa inyo. 23 Sa araw na iyon ay hindi kayo hihingi sa akin ng anuman. Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Anuman ang inyong hingin sa Ama sa pangalan ko ay ibibigay niya sa inyo. 24 Hanggang ngayon ay wala pa kayong hiningi sa pangalan ko. Humingi kayo at tatanggap kayo upang malubos ang inyong kagalakan.

Read full chapter