Add parallel Print Page Options

13 Wala nang hihigit pang pag-ibig kaysa rito, na ang isang tao ay mag-alay ng kaniyang buhay para sa kaniyang mga kaibigan. 14 Kayo ay aking mga kaibigan kapag ginawa ninyo ang anumang inuutos ko sa inyo. 15 Hindi ko na kayo tinatawag na mga alipin sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kaniyang panginoon. Sa halip ay tinawag ko kayong mga kaibigan sapagkat ang lahat ng narinig ko sa aking Ama ay ipinaaalam ko sa inyo.

Read full chapter