Add parallel Print Page Options

27 Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo. Ang ibinibigay ko ay hindi katulad ng ibinibigay ng sanlibutan. Huwag mabalisa ang inyong puso ni mangamba.

28 Narinig ninyo ang sinabi ko sa inyo: Ako ay aalis at muling magbabalik sa inyo. Kung iniibig ninyo ako ay magagalak kayo sa sinabi kong ako ay pupunta sa Ama sapagkat ang aking Ama ay higit na dakila kaysa sa akin. 29 Sinabi ko na ito sa inyo bago pa ito mangyari. Ito ay upang kung mangyari na ito, kayo ay sumampalataya.

Read full chapter