Add parallel Print Page Options

Ipinangako ni Jesus na Isusugo ang Banal na Espiritu

15 Kung iniibig ninyo ako, tuparin ninyo ang aking mga utos.

16 Hihiling ako sa Ama at bibigyan niya kayo ng ibang Tagapayo upang siya ay manatili sa inyo magpakailanman. 17 Ang Tagapayong ito ay ang Espiritung Katotohanan. Hindi siya matanggap ng sangkatauhan sapagkat hindi siya nito nakikita o nakikilala man. Kilala ninyo siya sapagkat siya ay nananahang kasama ninyo at sasainyo.

Read full chapter